Piyansa ng 'San Roque 21' inaasahang mabuo sa Lunes sa tulong ng crowdfunding
MAYNILA
— Patuloy ang paglikom ng pera ng mga
abogado ng mga naarestong
residente ng Sitio San Roque sa Quezon City para sa kanilang pagpiyansa.
Nakapiit
sa District Special Operations Unit sa Camp Karingal ang tinaguriang
"San Roque 21" na inaresto noong Miyerkoles matapos mauwi sa gulo sa
EDSA ang paghingi nila ng ayuda sa gitna ng umiiral na Luzon lockdown
dahil sa COVID-19.
Patong-patong na kaso ang isinampa laban sa kanila. Tig-P15,000 ang itinakdang piyansa sa 21 naaresto, o kabuuang P315,000.
Sa ngayon, nasa P35,000 na ang nalikom ng grupo ng mga abogado, hindi pa kasama dito ang ipinangakong tulong ng ilang artista.
"Gusto
sana naming mag-file ng bail... Nagulat kami sa laki ng bail na
nire-require, lalo ang liit ng mga kaso," ayon sa abogadong si Kristina
Conti.
Pero
inaasahang sa Lunes ay mabubuo na nila ang kinakailangang piyansa sa
tulong ng
crowdfunding o ambagan ng mga concerned citizen.
"Sobrang nakaka-overwhelm ang crowdfunding namin," ani Conti.
Nauna
nang nangako sina Jodi Sta. Maria, Frankie Pangilinan at kaniyang mga
magulang na sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, na tumulong sa
San Roque 21.


No comments:
Post a Comment